Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras Express ngayong Miyerkoles, January 19, 2022:
-Mahigit 80 pasahero, stranded sa pier matapos 'di pasakayin sa barko dahil may kasamang edad 11 pababa na hindi pa bakunado kontra COVID-19
-Ginang na napaiyak dahil sa "no vax, no ride policy," nanawagan na bigyan ng konsiderasyon ang mga nabigyan na ng unang dose ng COVID-19 vaccine
-Ilang pasaherong hindi pa fully vaccinated, umaasa sa barangay health pass para makagamit ng pampublikong transportasyon
-492 ang nadagdag na Omicron cases sa bansa; 2 hindi pa bakunado ang nasawi
-Ilang indibidwal, napupuwersang magpabakuna dahil nalilimitahan ang kanilang kilos kasunod ng mga bagong polisiya
-Pag-import ng 60,000 metric tons ng isda, inaprubahan ng Dept. of Agriculture; PAMALAKAYA, umaalma
-Giit ni Comelec Comm. Rowena Guanzon, hindi dine-delay ang desisyon sa petisyon laban kay Bongbong Marcos para paburan ang isang panig
-Ilang maiinit na isyu sa bansa, sinagot ng ilang presidential aspirant para sa #Eleksyon2022
-Banggaan ng isang truck at isang motorsiklo, na-huli cam sa CCTV; rider, sugatan
For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of 24 Oras.
24 Oras is GMA Network's flagship newscast, anchored by GMA News pillars Mike Enriquez, Mel Tiangco, and Vicky Morales, featuring top news stories from the Philippines and the hottest showbiz news on Chika Minute hosted by Iya Villania. Visit GMA News Online (http://www.gmanews.tv/24Oras) for more.